Sunday, November 14, 2010

Tapang, talino at bilis



ARLINGTON, Tx -- Magandang araw po ulit sa inyong lahat, sa aking mga kababayan saan mang sulok ng mundo. Nasaan man kayo naroroon, alam kong sabik na kayo sa aking laban.

Ito na po ang ating pinakahihintay na sandali. Ngayong gabi sa Cowboys Stadium, makakaharap ko na si Antonio Margarito upang pag-agawan ang belt ng WBC super welterweight division.

Inaasahan kong mainit ang magaganap naming laban. Dahil alam kong pinaghandaan niyang mabuti ang labang ito. Nababalitaan ko rin na talagang pinag-aralan nila ang aking galaw.

Pero, wala po akong kaba. Kailangan kong maging matapang upang ipakita sa aking kalaban na kahit siya’y malaki ay hindi ako uurong sa laban. Handa ako sa laban at sa anumang ibabato sa akin ng kalaban mula sa Tijuana, Mexico.

Kapwa kami may misyon ni Margarito. read more...

No comments: